Ang Nasusunog Naming Tahanan: Ang climate emergency sa Asya

Photo: Wade Wu/Flickr (CC BY-NC-ND 2.0)


“Tama na. Sobra na”, marahang sabi ni Jochelle Magracia, na para bang sikretong ibinubulong laban sa biglaang ingay na nagmula sa planta ng San Miguel Corporation (SMC). Ang plantang ito na gumagamit ng coal ay ilang daang metro lang ang layo sa kamalig (shed) na nagsisilbing community center ng Barangay Lamao. Ang kamalig na ito ay nasa likod lamang ng kanilang pamamahay.

Ang kanilang sitwasyon sa Barangay Lamo ang nagudyok sa kanya na sumapi sa Young Bataeños Environmental Advocacy Network (YBEAN), isang grupo ng mga organiser sa kanilang probinsya sa Pilipinas. Ang YBEAN ay nagpupursiging lumibot sa ibat ibang eskuwelahan at distrito para magsalita ukol sa mga epektong dulot ng pagbabago ng klima at mga proyektong gumagamit ng fossil fuel, katulad nitong planta sa kanilang komunidad.

Ang layunin ni Jochelle ay maipabatid kung paano pinasisidhi ng mga planta ang krisis at isinasawalang bahala ang mga epekto nito sa kalusugan at kapakanan ng mga lokal na residente. Hindi na tama ito. Hindi makatarungan na patuloy na binabalot ng mga abo at alikabok ng plantang ito ang aming tahanan. Hindi dapat nailalagay ang aming pamilya sa bulnerableng posisyon na magkasakit sa baga (respiratory ilnesses). Hindi nila dapat pinagbabantaan ang aming mga lider. Oras na para sa pamahalaan na ipahayag ang climate emergency.

Ang panawagan para sa pagpapahayag ng climate emergency ay nagmula Darebin, Australia. Noong Disyembre 2019, ang Darebin City Council ang pinakauna-unahang grupo sa mundo na nagkaisa at nagpahayag ng estado ng climate emergency. Noong Agosto 2017, ang konseho ay nagpatatag ng Climate Emergency Plan. Dalawa sa kanilang mga susing hakbang ay ang pinakamataas na antas ng proteksyon para sa komunidad ng Darebin at para sa mga tao, sibilisasyon, ay uri ng hayop (species) sa buong mundo, lalo na sa mga pinaka-bulnerable” at tanggalin ang kabuuan ng pagbuga ng greenhouse gases (GHG) upang maibalik ang ligtas na estado ng klima sa lalong madaling panahon.” Mula noong Hulyo 2019, 740 na pamahalaan mula sa 16 na bansa ang naglabas ng kani-kanilang mga opisyal na pahayag. Gayunpaman, karamihan sa mga ito ay nasa Europa, Australia, at Estados Unidos.

Hindi maipagkakaila na ang Asya ay isa sa pinaka-bulnerableng rehiyon sa krisis dulot ng pagbabago ng klima. Gayunpaman, nananatili itong tahimik sa mga pahayag tungkol sa isyu na ito—na siyang pinoproblema ng mga aktibistang pang-klima tulad nila Jochelle at si Peta Nuampakdee na isang organiser ng komunidad (community organizer) mula sa Chiang Mai, Thailand. Ang pagdeklara ng gobyerno ng climate emergency ang magpapatunay sa maraming tao ng katotohanang ito. Ipapakita nito sa mamamayan na ang pagbabago ng klima ay hindi malayong isyu sa pangaraw-araw,” giit ni Peta.

Ang paglaya natin mula sa pagkonsumo ng fossil fuels

Nakikita natin ang pagtaguyod ng pamunuan ng Asya sa pandaigdigang pag-uusap ukol sa klima at pagpapahayag ng mga pinuno nito sa pangagailangang magbago patungo sa paggamit ng renewable energy. Gayunpaman, ang Asya ay may isang maruming lihim. Sa kabila ng nakakalinlang na mga aksyon na ito, ang Asya ay may mga bagong planta na itinltaguyod sa iba’t iban bansa. Pinakamarami ang sa rehiyong ito kumpara sa buona mundo. Ito ay naisagawa sa pamamagitan ng bilyun-bilyong halaga ng pamumuhunan mula sa mga institusyong pampinansyal at komersyal na mga bangko.

Mulat-sapol, ang pagkumbinsi sa mga developing countries na tuluyang itigil ang pamumuhunan sa fossil fuels ay isang mahabang usapan. Ito ay dahil patuloy nilang prinoprotektahan ang kanilang interes at karapatan na palaguin at paunlarin ang kani-kanilang ekonomiya. Gayunpaman, isinaad ng UN Declaration on the Right to Development na, Nararapat na ang pagbabalangkas ng mga pambansang patakaran sa kaunlaran ng ekonomiya ay patuloy na pangalagaan ang kapakanan ng mga mamamayan.” Ang walang tigil na pagsunog ng fossil fuels ay inilalayo tayo sa layunin na ito dahil sa nakakabahalang epekto ng mga maruruming power stations sa mga komunidad. Ang polusyon sa hangin dulot ng mga plantang ito ay ang sanhi ng halos 20,000 na maagang pagkamatay (premature deaths) kada taon sa Asya.

Sa Pilipinas lamang, ipinakita ng datos ang tantiyadong 960 na mga kaso ng maagang pagkamatay kada taon dahil sa stroke, ischemic heart disease, at mga sakit sa sistema ng kardiyobaskular (cardiovascular) at paghinga (respiratory). Hindi puwedeng sabihin ng mga gobyerno na prinoprotektahan nila ang kapakanan ng kani-kanilang mamamayan habang isinasakripisyo nila ang kalusugan at karapatang pantao sa industriya ng fossil fuel.

Ang mga deklarasyon ng Asya ukol sa climate emergency ay mapapasawalang bahala at mawawalan ng kabuluhan kung ang mga bansa ay walang pananagutan sa kani-kanilang mga pangako. Ang lumang depinisyon ng pag-unlad ay dapat baguhin upang isama ang pagtiyak ng kapakanan ng mga maliliit na komunidad na patuloy naapektuhan ng fossil fuels at mga disasters na dull ng pagbabago ng klima.

Kababaihan: lumalaban sa pamamagitan ‘climate strikes’

Ang mga batang aktibista tulad ni Jochelle ay walang tigil na ipinaliliwanag ang pagkakaiba sa pagitan ng mga deklarasyong pampulitika at kung ano ang tunay na nangyayari sa mga komunidad na kanilang binibisita. Sa kabila ng lahat, siya ay nagtitiyaga dahil nasaksihan niya ang pagpupursigi ng kaniyang ina na kasama ang ibang pinuno ng kanilang komunidad sa pagsasalita tungkol sa mga peligrong dulot ng sanhi at epekto ng pagbabago ng klima. Naniniwala si Jochelle na ang pagbabago ng klima ay may ibang epekto sa kababaihan bilang mga tagapag-alaga ng tahanan. Pasan namin ang responsibilidad ng pagprotekta, pag-salba, at pag-aalaga ng lahat sa mundo,” aniya.

Hindi lang dapat ang kababaihan ang sumasalo ng mga responsibilidad na ito kahit na kabilang sila ang pinaka-bulnerable sa mga epekto ng klima. Ang tunay na pamumuno sa klima ay nangangahulugang pakilusin ang bawat miyembro ng lipunan na tugunan ang isyung ito. Ito ang dahilan kung bakit habang nakikiisa sa Global Climate Strikes, ang kabataan sa Thailand at Pilipinas ay naglunsad ng mga lokal na aksyon para baguhin ang sistema sa isyung ito, sa halip na tutukan ang mga indibidwal na pagbabago sa pamumuhay.

Si Kim Anh ay isa sa mga nakababatang babae na sumali sa araw ng aksyon sa Chiang Mai kasama ang Climate Strike Thailand. Ang kabataang kababaihan ay nasa unahan sa buong mundo. Pinagkakaisa nila ang ibat-ibang grupo ng mga tao. Sa isang patriarchal na mundo, patuloy na ipinagtitibay itong samahan sa kabila ng mga peligrong dulot ng misogynist attitudes, sexism, and poot laban sa kababaihan. Kami ay natatawag na feminaziso nasasabihang, itikom mo nalang ang iyong bibig,kaya naglalakas loob kaming tumindig upang makapagsalita at simulan ang aksyon,” aniya.

Pinangunahan nina Peta at Kim ang 200 na kabataan sa pagmartsa sa Chiang Mai habang si Jochelle ay sumali sa kanyang mga kapwa organiser mula sa YBEAN na nagproprotesta sa tapat ng planta ng karbon sa Bataan. Ang pangunahing hiling nila ay ideklara ng kani-kanilang mga pamahalaan ang climate emergency.

Litratong kinuhanan ni Jochelle Magracia

Litratong kinuhanan ni Phongsila Commak via Climate Strike Thailand

Ang Asya ay bulnerable sa makabagong normal na antas ng kalamidad. Ang mga pamahalaan sa buong mundo ay dapat magtipon at magpahayag ng isang state of climate emergency upang masigurado ang ating kinabukasan,” sabi ni Jochelle.

Ang alarma

Karamihan sa mga pagpapahayag mula sa global North ang napuna dahil sa hindi pag-sama ng mga ambitious na panukala. Kung hindi man lahat, karamihan dito ay hindi nabubuklod. Halimbawa, ang pamahalaan ng Canada ay, sinadya na hindi maglagay ng mga implikasyon sa kanilang patakaran para siguraduhin na ang debate na ito ay kumakatawan sa di-partisanong (non-partisan) likas na katangian ng climate emergency.

Kahit na ang mga pagpapahayag na ito ay walang ligal na kapangyarihan (legal teeth), nananatili silang mahalaga para sa mga policy signals na ipapadala sa bawat antas ng pamahalaan, lalo na sa mga bulnerableng rehiyon katulad ng Asya. Ang mga senyales na ito ang pipilit sa mga bansa na ilunsad ang whole-of-nation mobilization approach habang nagpapadala ng mga senyales na pang-alarma para matugunan ang krisis. Para sa kabataan na tulad nila Peta, Jochelle, at Kim, nangangahulugan ito na mayroon na silang mapanghahawakan para mapanagot ang gobyerno kung kinakailangan, lalo na dahil ang kanilang kinabukasan ang nakataya dito.

Kung ang mga pagpapahayag na ito ay idedeklara sa Asya, dapat maimpluwensyahan ito ng mga bagong realidad dulot ng pagbabago ng klima habang gumagawa ng mga plano na may kagyat na pagpapatupad at basehan sa agham. Kada taon, libu-libong tao ang pumapanaw at nawawalan ng kabuhayan dahil sa dahan-dahang paglaganap ng mga epektong ito at sa matitinding pihit ng panahon. Kadalasan, ang krisis na ito ay sumisingil ng mataas na presyo sa mga tao, lipunan, at bansa na may pinakamababang kontribusyon sa pagbago ng klima. Ang mga deklarasyon ng climate emergency ay may kapangyarihan na baguhin ang ating pag-iisip tungkol sa krisis na ito sa pamamagitan ng pampulitikang diskurso at muling pagtukoy ng makabagong depinisyon ng pagunlad: ang pagtaguyod ng progresibong lipunan na walang iniiwanang kahit sino.