Sa gitna ng pandaigdigang pandemya at malawakang mga pag-aalsa sa iba't ibang kontinento laban sa brutalidad ng pulisya at sistematikong rasismo, may mga estadong nanunumbalik sa lumang taktikang maka-iwas sa atensyon mula sa kabiguan ng gubyerno patungo sa pag-supil sa mga katunggali. Partikular ang kasong ganito sa US at sa Pilipinas. Isang partikular na usapin, gayunpaman, ay kung paanong kinukunsinti ng administrasyong Trump ng walang kundisyong suporta sa ngalan ng foreign policy ang mga abuso ni Duterte sa kapangyarihan.
Sa US, bumubulusok bilang sa poll ni President Trump habang papalapit ang eleksyon, sinasabi niyang ang dahilan g mga pag-aalsa bilang pagtugon sa pagpatay kay George Floyd mula sa kamay ng mga pulis ng Minneapolis ay kagagawan daw ng mga "anarkita" "antifa" at mga ahitador mula sa labas. Sa pamamagitan ng pagbaling sa akusasyon mula sa mga pulis tungo sa mga ilkhang-isip na ahitador ay pinipilit ni Trump na mahamig ang mga taong kulang sa impormasyon o mga walang pakialam sa ganitong usapin na lumalaganap sa bansa. Sa halip na ituon ang atensyon sa kakulangan ng US na tugunan ang pandemya, pag-bail out sa mga dambuhalang negosyo mula sa buwis ng mamamayan, brutalidad ng pulisya, radikal na gawak sa pangkalusugan at abot-kayang edukasyon, ang estadong nasa krisis ay mas higit pang nakatuon na ipinta ang mga aktibista bilang malaking problema.
Ang prosekyusyon ni Ressa ay malinaw na may motibong pulitikal at masalimuot sa ligal: ay nagsisilbing babala sa sinuman at lahat ng kritiko ni Duterte.
Sa Pilipinas, ang hakbang ni Presidente Rodrigo Duterte na umiwas at mangdahas ay higit pa nitong itinaas. Bago ang COVID, kumalat ang rehimeng Duterte usapin sa buong mundo hinggil sa usapin ng mga awtoriyanikong mga hakbang. Dagdag pa, sumikat si Duterte sa "War on Drugs" na pumatay ng libu-libong tao. Pinatindi ang pag supil sa kalayaan sa pamamahayag at pagtutol sa pulitika. Itong taon, ipinasara ni Duterte ang pinaka-malaking news network sa bansa, ang ABS-CBN, at kamakailan lamang ang dumadaluyong na mamamayag na si Maria Ressa, tiga-pagtatag ng digital news na Rappler ay nahatulan ng cyber libel at nahaharap na makulong ng ilang taon. Ang prosekyusyon ni Ressa ay malinaw na may motibong pulitikal at masalimuot sa ligal: ay nagsisilbing babala sa sinuman at lahat ng kritiko ni Duterte.
Gayundin, si Sentaor Leila de Lima ay nakakulong na ng halos tatlong taon mula sa hindi mapatunayangkaso hinggil sa droga matapos siyang mag bukas ng "inquiry" sa patakaran ni Duterte na gumamit ng "extra-judicial killing" sa panahon ng "Drug War". Ang kalayaan sa pagpapahayag ay mabilis na bumubulusok sa Pilipinas may ilang panahon na, subalit ang mga kaganapan nitong mga nakalipas ay malinaw na nagpapakita ng layunin ni Duterte na konsolidahin ang kanyang kapangyarihan at sikilin ang kaaway nito.
Ang halos di mabigyan ng atensyon ni Duterte ay ang pagtugon sa COVID-19 at ang mapanganib na amyenda sa batas na tinatawag na "Anti-Terror Law". Katulad sa US, ang gubyerno ng Pilipinas ay ginulat ng labis na nakakahawang virus. Sa pag-hahaluhalo sa "containment", "testing" at "tracking", at pagbibigay ng kaawa-awang suportang pang-ekonomiya to mga sapilitang mag "lockdown", kumalat ang "virus" sa mahihirap na pamayanan, walang rekursso para sa PPE (Personal Protective Equipment) o ayuda para manatili sa mga bahay. Kamakailan, sang-ayon sa militarisikong hakbang sa halos lahat ng isyu, ang mga kapulisan ay nagsimulang mag-bahay-bahay upang maghanap ng mga indibidwal na may kaso at positibo ng COVID.
Samantalang pinupuri ni Duterte ang sariling mga pahapyos na hakbang, sinamantala ng kanyang administrayon ang kaguluhang dulot ng COVID upang iratsada ang "Anti-Terror Law". Ang amyendang ito ay nagbibigay ng kapangyarihan sa "executive branch" ng abilidad na magtukoy ng mga grupo bilang terorista kahit walang batayan, mang-aresto at mag "wiretap" sa mga pinaghihinalaan kahit walang "warrant"; at gawing kriminal ang anumang suporta sa mga tinukoy na organisasyon katulad ng pag-post na umaayon sa kanila sa online o maging paghawak ng banner sa mga rali, bilang paglabag sa Anti-Terror Law. Ang di-malinaw at masaklaw na katangian ng batas na ito ay maaari ding magbigay daan sa pag-target at pagprosekyut sa mga kritiko ng administrasyong Duterte sa ibang bansa. May katangi-tanging din itong panganib sa US kung saan ang dalawang bansa ay mayroong kasunduan sa "extradition" o pagpapauwi.
Mayroong malawakang pagtutol sa Anti-Terror Law sa Pilipinas. Mga tanyag na celebrities, mamamahayag, jeepney drivers at dating Supreme Court Justices ay mga napipagpahayag ng pag-aalala sa nasabing batas. Samantalang may mga lumabas sa lansangan upang magpahayag ng pagtutol habang ang iba ay bumaling naman sa social media upang ipahayag ang kanilang kritisimo bilang pagsasa-alang alang sa "social distancing". Sa katapusan ng Hulyo may 19 na petisyon ang ipinasa sa Supreme Court ng Pilipinas bilang paghamon sa ligalidad ng batas, at marami ang inaasahang magpasa.
Isang pangunahing dahilan kung bakit hindi nakikinig ang administrasyong Duterte sa sarili nitong mamamayan sa ganitong mga usapin ay dahil sa walang kundisyong suporta mula sa Estados Unidos. Ang patuloy na pag depende ni Duterte sa Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines bilang suporta sa pambansang pampulitikang ambitsyon sa pagkonsolida ng kapangyarihan ay direktang hango sa playbook ngforeign policy ng US. Una ang awtoritariyang rehimen ay umaasa sa "security state" upang mamahala. Pangalawa, umaasa ang "security state" sa US pa pamamagitan ng probisyong kagamitang militar, pagsasanay at pamumuhunan. Panghuli, kung ang awtoritaryang rehimen (o mga kasunod nito) ay tumaliwas sa sa pambansang interes ng US, itatawag sa "security state" na alisin ang suporta sa rehimen. Halimbawa: Egypt, Indonesia, Latin America at iba pa.
Upang ilawaran, maaari nating tignan ang mga kaganapan sa Visiting Forces Agreement sa pagitan ng US at Pilipinas kamakailan. Noong Pebrero, inanunsyo ni Duterte na wawakasan na niya ang VFA, isang mayor na kasunduang nagpapaubayang magkaroon ng "joint exercises" at iba pang susing aktibidad sa pagitan ng US at militar ng Pilipinas, malamang dahil sa hindi pagbigay ng visa ng US kay Ronald dela Rosa, isang susing arkitekto ng "War on Drugs". Gayunpaman, matapos aprubahan ng US ang dalawang pagbenta ng mga armas na nagkakahalagang dalawang bilyong dolyar sa anyong "heavy weaponry", kabilang pa ang "attack helicopter" at "hellfire missles", binaliktad ni Dutere ang kanyang balak. Samantalang ang ilang mga pagsusuri ay nagsasabing ito ay senyales na ang Pilipinas ay nag-aalala sa "territotial expansion ng Tsina, higit na mas mlaking dahilan na kailangan ni Duterte ang dolyaers ng US upang mabili ang suporta sa "security state" sa gitna ng nakaambang krisis sa ekonomiya na dulot ng COVID.
Hindi buo ang kaisahan sa Washington sa militaristang-pokus ng foreign policy o ang pagtuon ng pananaw sa abuso sa karapatang tao ng mga awtoritaryong rehimen. Nitong Hunyo, si Representative Ilhan Omar kasama ang labingwalong pang mambabatas ay nagpadala ng liham kina Secretary Pompeo at Secretary Esper na humihiling na ipagpaliban ang pagbebenta ng mga armas sa Pilipinas hanggang maglunsad muna ng karampatang pagsusuri (oversight). Noong Hulyo si Representative Jan Schakowsky kasama ang limampung mambabatas ay sumulat kay Philippine Ambassador Romualdez na humihiling na ibasura ang Anti-Terror Law.
Samantalang ang mga aksyon ng mga mambabatas ay kahangahanga, hindi ito sapat upang bigyang tugon ang mas malawak na problema ng pagsuporta ng US sa isang diktaduryang lumalansag sa lahat ng uri ng demokratikong oposisyon. Sa halip na pira-pirasong tugon, ang kailangang maganap ay isang desididong pagkalas sa nag-iisang bagay na kumukunsinti kay Duterte at kanyang "security state": wakasan ang ayudang-militar ng US sa Pilipinas.
Nitong nakalipas na Mayo,ang Malaya MOvement at ang International Coalition for Human Rights in the Philippines ay naglunsad ng kampanya par sa isang "Philippine Human Rights Act na magsusupende ng ayudang-militar sa bansa hanggang hindi tumitigil ang mga "security forces" sa kanilang malawakang paglabag sa karapatang tao. Nitong mga nakaraang linggo, ang CWA, AFL-CIO, AFT, Teamsters at UWS ay nanawagan din para sa kampanya, hinihiling nila sa Kongreso na ilatag at ipasa ang panukalang batas (PHRA).
Ang nilalaman ng panukalang batas ay hindi radikal o bago; ang PHRA ay hinalaw mula sa Berta Caceres Human Rights in Honduras Act. Ang tunay na radikal, bago at dapat maganap ay gawing panimulang punto para sa bagong makataong US foreign policy ang PHRA at Berta Caceres Act.